DPWH Sec. Vince Dizon, nakatakdang magsumite ng report hinggil sa 8K flood control projects na ininspeksyon ng PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan

Nakatakdang magsumite ng report sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ngayong umaga.

Ito’y kaugnay pa rin sa mga proyektong kanilang ininspeksyon katuwang ang Philippine National Police (PNP) at ilan pang ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa kalihim, sasamahan niya rin si General Azurin para mag-align sa iba pang miyembro ng komisyon.

Aniya, mayroon na silang nakitang mga “violation” sa mga proyektong kanilang naunang inimbestigahan.

Nabanggit din ni Dizon na kabilang sa mga flood control projects na kanilang pinuntahan ay “ghost projects.”

Facebook Comments