Dr. Vicky Belo, nakipag-selfie kay Mayweather

Masuwerteng nakapagpa-picture si Dra. Vicky Belo sa World Boxing Champ na si Floyd Mayweather Jr. nitong Huwebes, May 10.
Nasa bansa si Mayweather matapos dalhin ng kaibigang Pinay upang silipin at maranasan ang ganda ng Pilipinas. Masuwerte namang natyempuhan ng doktora si Mayweather sa Greenbelt Mall sa Makati.
Ayon kay Belo, sa dinami-rami ng nais magpa-picture kay Mayweather ay siya lang ang bukod tanging pinayagan.
Nagpasintabi naman ang doktora sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at sinabing mahal pa rin niya ito kahit may picture pa sila ni Mayweather.

Facebook Comments