Dra. Vicki Belo, todo prepare para sa church wedding nila ni Hayden Kho sa Paris

70

Showbiz – Hands-on raw si Dr. Vicki Belo para sa church wedding nila ni Hayden Kho sa Paris, France.

Ibinida pa ng 61-year-old celebrity Doctor ang golden wedding invitation nila ni Hayden na may disenyo na kahalintulad sa mga opera house sa Paris.

Tampok din ang illustration sa kanilang mag-asawa at two year old daughter na si Scarlet Snow.

Say ng Doktor, nag-countdown na siya para sa less than a month na big day nila ni Hayden.

Una nang nagkaroon ng tampuhan si BELO at anak na si Direk Quark Henares dahil sa sorpresang civil wedding nila ni Hayden noong Hunyo.

Gayunman, okay na raw sila at nag-sorry na siya sa kaniyang anak.

Facebook Comments