Draft ng Bangsamoro Basic Law, irerekomendang urgent bill

Manila, Philippines – Umaasa si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na agad ng aaprubahan ni Pangulong Duterte ang final draft ng Bangsamoro Basic Law.

Mamayang alas 5:30 ng hapon, personal na ibibigay ng mga miyembro ng Bangsamoro transition committee na binubuo ng gobyerno at MILF ang kopya ng BBL sa pangulo.

Irerekomenda rin ni Dureza kay Duterte na sertipikahan na itong urgent bill.


Ang bagong draft ay mayroong 114 pages at 18 articles.

Kasama na ngayon sa konsultasyon ang lahat ng mga stakeholders sa mga lugar na nasasakupan ng bangsamoro na una nang hindi naisama noong Mayo.

Facebook Comments