Kakarampot na oil price rollback, ipinatupad ng ilang kompanya ng langis

27

Manila, Philippines – Good news sa mga motorista, may bawas presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo kaninang umaga, nagtapyas ang Caltex at Petron ng P0.30 sentimo sa kada litro sa gasolina, P0.35 sentimo sa kada litro ng diesel at P0.40 sentimo sa gaas.

Ang eastern petroleum ay nag-rollback ng P0.35 sentimo kada litro sa gasolina at P0.20 sentimo kada litro sa diesel.

Umaabot naman sa P0.20 sentimo kada litro sa gasolina at P0.35 sentimo rollback sa diesel ang sa PTT, Shell, Phoenix Pertroleum at Flying V.

Facebook Comments