Drayber at Kundoktor, Imumungkahi na Magsisilbing Tagabili ng mga nasa Malalayong Lugar sa City of Ilagan!

Cauayan City, Isabela- Bukod sa libreng pasakay ng LGU Ilagan ay imumungkahi na rin ng lokal na pamahalaan na may isang pampasaherong jeep ang papayagang makalabas ng barangay upang makapamili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nasa malalayong lugar sa Lungsod.

Sa panayam ng 98.5iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, kinakailangan lamang na makipag ugnayan sa brgy Kapitan ang mga gustong magpabili upang maibigay ang listahan na bibilhin sa palengke ng drayber at kundoktor ng jeep.

Habang ang drayber ay kinakailangan namang kumuha ng gate pass na siyang papayagan lamang sa checkpoint.


Nilinaw ni Ginoong Bacungan na limitado lamang ang dapat ipabili gaya ng mga pangunahing pangangailangan lamang.

Makakatuwang ng drayber at kundoktor sa pamamalengke ang mga barangay officials at tanod.

Kaugnay nito, maaari din aniya na sumakay sa free shuttle service ang mga empleyado na papasok ng trabaho subalit kinakailangan lamang na obserbahan pa rin ang ‘social distancing’.

Kasunod pa rin ito ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine ng gobyerno sa buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na Coronavirus disease (COVID-19).

Facebook Comments