PDL, muling sinampahan ng kasong Panggagahasa sa Provincial Jail

*Cauayan City, Isabela*- Muling sinampahan ng kasong may kaugnayan sa panggagahasa ang isang lalaki na nakapiit ngayon sa Isabela Provincial Jail pasado 12:15 kanina sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Elmer Zilabbo, 34 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Andres sa nasabing siyudad.

Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest ng akusado matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Andrew Barcena ng RTC Br.17 City of Ilagan ang dalawang count ng Rape at Statutory Rape na may petsang Marso 5,2020 sa ilalim ng criminal case number 9225, 9226 at9223, 9224.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte kaugnay sa kaso.

Facebook Comments