Sisimulan ng Marikina City Government ang pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isasagawang pilot dredging activity sa Marikina River.
Personal na tiningnan nina Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, at MMDA Chairman Benhur Abalos Jr.ang ilog ng Marikina upang magsagawa ng tinatawag na pilot dredging activity sa Marikina River upang marekober ang ilang bahagi ng ilog na iligal na na-reclaim.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, malaking tulong ang isasagawa pilot dredging activity upang sakaling bumuhos ang malakas na ulan ay kayang kaya na ang tubig ulan ng naturang ilog.
Naniniwala ang alkalde na mababawasan na ang mga pagbaha sakaling matapos na ang isasagawang dredging activity.