Pinaigting ng syudad ang pag aaral sa isasagawang Dredging Operation sa kailugan ng Dagupan matapos ilatag nito lamang huwebes ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 ang planong Dredging Operation sa mga sumusunod na Barangay: Calmay, Pantal, Poblacion Oeste, Lucao, Bonuan Gueset, Carael at Pugaro.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng Flood Mitigation na pinamunuan ni Mayor Belen Fernandez, upang maibsan ang pag-apaw ng tubig at mabawasan ang siltation, dahil ayon umano sa City Engineering Office ay nababalot na ng silt ang mga outlets o labasan ng tubig na siyang nagdudulot ng pagbaha tuwing high tide o bagyo sa lugar..
Samantala, kaakibat ng Dredging ay ipinagpapatuloy pa rin ang iba pang proyekto patungkol sa Flood Mitigating Measures na sinimulan pa noong unang termino ng administrasyon ng alkalde, katuwang ang mga National Government Agencies ng LGU.
Gayundin ay patuloy namang isinasagawa ang paglilinis sa mga navigational lane mula sa illegal na fisherpens o fish cages sa nasabing syudad. |ifmnews
Facebook Comments