DRILL | Buong pakikiisa ng publiko na nasa Metro Manila shake drill mamayang hapon, ipinanawagan

Quezon City – Hinimok ng City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ng Quezon City Government ang publiko na aktibong makibahagi sa gagawing Metro Manila Shake Drill ngayong araw.

Ang earthquake drill sa lungsod ay sesentro sa Quezon City Hall compound gayundin sa mga barangays, paaralan at commercial establishments.

May mga eksena sa drill na ipapakita ang QC DRRMO kung sa anong mga paraan ipapapatupad ang mass evacuation sa gusali ng city hall, kabilang ang 15-story high-rise structure nito.


Gagamitin din dito ang fire suppression equipment, kasama ang makabagong kagamitan tulad ng unmanned firefighting machine LUF60.

Ginagawa ang earthquake drill hindi lamang sa lungsod kundi sa buong Metro Manila at iba pang panig ng bansa upang mabigyan pa ng dagdag na kaalaman ang publiko ng mga tamang gawin sa panahon na may nangyayaring malakas na lindol.

Pinayuhan ng QC government ang publiko na sumama at makiisa sa drill na pasisimulan mamayang ala una ng hapon.

Facebook Comments