Tweet ni dating US President Barack Obama – itinanghal na may pinakamaraming likes sa kasaysayan ng Twitter

Amerika – Itinanghal na may pinakamaraming likes sa buong kasaysayan ng twitter ang dalawang tweet ni dating Pangulong Barack Obama tungkol sa anti-racism.

Pumalo sa 2.8 million ang likes ng tweet ni Obama at halos 300,000 naman ang retweets.

Matatandaang matapos ang kaguluhan sa Charlottesville Virginia ay nag-tweet si Barack Obama ng “no one is born hating another person because of the color of his skin or his background or his religion…”


Nagtweet pa ito ng “for love comes more naturally to the human heart than its opposite.” na kanyang qinuote sa dating Pangulo ng South Africa na si Nelson Mandela.

Facebook Comments