Driver ng Ferrari sa England, nakatikim ng leksiyon dahil sa maling pag-paparking

England – Nakatikim ng kakaibang leksiyon ang may-ari ng sports car Ferrari na hindi marunong mag-park sa tamang lugar sa England.

Nagulat na lang ang britong may-ari matapos nitong iwan sa pan-siyam na palapag ang kanyang ferrari dahil pinalibutan na ito ng mga tindahan at mamimili.

Ayon sa kumuha ng video, ang pinagparkingan ng Ferrari ay ginagawang palengke sa umaga.


Dahil dito inabot ng siyam-siyam ang drayber sa pag-alis ng kanyang sports car.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments