Pulis, tinambangan sa Laguna – patay matapos pagbabarilin

Biñan, Laguna – Dead-on-arrival ang isang pulis matapos na tambangan habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Biñan, Laguna.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Ricardo “Carding” Infante nang maganap ang pananambang sa kaniya sa tulay Bato, Barangay San Antonio pasado alas otso ng umaga ng Miyerkules.

Ayon sa inisyal na imberstigasyon, papauwi na si Infante galing sa kanyang duty nang siya ay tambangan ng riding in tandem na mga suspek.


Dinala pa sa pagamutan si Infante pero nasawi din dahil sa ulo ang kaniyang tama.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow up operation ang Biñan Police sa naganap na insidente.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments