Driver ng isang kotse, sugatan matapos sumalpok sa center island ng IBP Road sa Brgy. Batasan Hills QC

40
Manila, Philippines – Sugatan ang driver ng isang kotse matapos sumalpok sa center island ng IBP Road sa Brgy. Batasan Hills sa Quezon City kaninang madaling araw.
 
Batay sa mga narekober na dokumento sa loob ng sasakyan, kinilala ang biktimang si Joven Domingo residente ng Pasay City.
 
Ayon sa mga tauhan ng barangay, sakay ang biktima ng isang puting Nissan Sentra na may plakang UAS-325 nang sumalpok ito sa center island ng IBP road sa tapat ng Corazon Aquino Elementary School.
 
Kwento ng isang tricycle driver, mabagal lamang ang takbo ng kotse at dahil namataan nya ito na nanggaling ng Litex.
 
Pero ayon naman sa traffic police, posibleng mabilis ang takbo ng kotse dahil sa nayupi ang hood nito bunsod ng malakas ng pagkakabangga.
 
Dinala na sa East Avenue Medical Center ang biktima at inaalam pa kung lasing o inantok ang biktima kaya ito naaksidente.


Facebook Comments