Driver ng isang L300 Van – patay matapos sumalpok sa bus sa Barangay Antonino, Alicia, Isabela

Alicia, Isabela – Agad na binawian ng buhay ang isang driver makaraang mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamaneho nitong l300 van kahapon ng madaling araw sa Barangay Antonino, Alicia, Isabela.

Nakilala ang namatay na si Darwin Millan, trenta anyos at residente ng Barangay Fugu, Echague, Isabela.

Ayon sa ulat, umagaw ng linya ang l300 van kaya bumangga sa kasalubong na bus na minamaneho ni Ariel Maguslong, trentay kuwatro anyos, residente ng Cakaocan, Bambang, Nueva Ecija.


Agad na isinugod sa pagamutan ang sakay ng L300 van ngunit hindi na umabot ng buhay si Millan.

Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang driver na si Maguslong na sinampahan na ng patong-patong na kaso.
DZXL558

Facebook Comments