
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang babaeng driver at registradong may-ari ng sasakyan na sangkot sa nag-viral na insidente ng road crash sa Cavite.
Makikita sa nag-viral na video na patungong Cavite City ang sasakyan nang biglang humarurot at sumalpok sa isang sasakyan sa kabilang linya ng kalsada.
Pagkatapos ay umatras ito at nakaagas pa ng mga tao at bumangga isang poste ng kuryente.
Sumalpok din ang sasakyan sa isang tricycle nang tumungo sa Noveleta Town Proper bago mawalan ng malay ang babaeng driver.
Dahil dito, sinuspinde na ng 90 araw ang lisensya ng nasabing driver at inatasang humarap sa LTO-Intelligence and Investigation Division upang magpaliwanag kung bakit di ito dapat patawan ng parusa.
Inilagay na rin sa alarma ang plaka ng sasakyan.
Patuloy pang nagpapagaling ang mga biktimang nahagip ng sasakyan.









