Philippine Embassy sa Bangkok, nais magbukas ng Licensure Examination sa mga Pilipinong guro sa Thailand at mga karatig na bansa sa harap ng pagtaas ng demand ng Pinoy teachers doon

Nais ng Philippine Embassy sa Bangkok na magbukas ng 2025 Special Professional Licensure Examination for Teachers (SPLE) sa mga Pilipinong guro sa Thailand.

Sa harap ito ng pagtaas ng demand ng mga Pilipinong guro sa Thailand at mga karatig na bansa tulas ng Laos, Cambodia, at Vietnam.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng survey ang embahada para sa Pinoy teachers na nais kumuha ng pagsusulit.

Ayon sa Philippine Embassy, sa sandaling umabot ng 300 ang bilang ng mga gurong nais sumailalim sa licensure examination, agad silang makikipag-ugnayan sa Philippine Professional Regulation Commission’s (PRC).

Balak ng embahada at ng PRC na magdaos ng pagsusulit sa ikatlong quarter ng 2025.

Ang Philippine Embassy ang magsisilbing facilitator ng gagawing licensure examination.

Facebook Comments