Malacañang, wala umanong pinagbabantaan sa pahayag patungkol sa mga oposisyon at obstructionists sa Senado

Nagpaliwanag ang Malacañang sa pahayag na lalabanan ng adminisitrasyon ang mga nahalal na obstructionist o ang mga nagtatago lamang sa likod ng oposisyon.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Sen. Bato dela Rosa na hindi umano dapat pinagbabantaan ang mga senador kung gusto ng Malakanyang ng magandang samahan at kooperasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pangkalahatan ang mensahe ng administrasyon sa pagiging bukas sa lehitimong oposisyon at hindi sa ‘obstructionist’.

Wala rin aniya silang partikular na pinatutungkulan dito at lalong walang pagbabanta sa sinuman sa Senado.

Giit ni Castro ang naisin ng pamahalaan mula sa taumbayan ay huwag maging obstructionist para magtuloy-tuloy ang magagandang proyekto at programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments