DRIVER NG VAN NA SANGKOT SA AKSIDENTE SA CCLEX SA TARLAC, NAGPOSITIBO SA ILEGAL NA DROGA

Kinumpirma ng kapulisan na nagpositibo sa ilegal na droga ang driver ng van na nasangkot sa malagim na aksidente sa kahabaan ng Central Luzon Expressway (CLLEX) sa La Paz, Tarlac, nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa metal barrier sa gilid na kalsada, habang sakay ang 14 indibidwal.

Ayon pa sa awtoridad, nagnegatibo naman ito sa alcohol breath test.

Sa pagsisiyasat sa insidente, ayon umano sa mga nakaligtas na pasahero, bago pa ang disgrasya ay mabilis umanong pinapatakbo ng driver ang sasakyan.

Matatandaan na lima ang nasawi habang siyam naman ang sugatan sa naturang insidente.

Facebook Comments