Driver ng Vice Mayor ng Malungon, Sarangani- patay sa pamamaril ng riding in tandem

Sarangani – Patay sa kanyang kaarawan ang driver ng Vice Mayor ng Malungon sa Sarangani matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Kinilala ang biktima na si Rodel Nain, 30-anyos at nadamay din ang kasama nitong si Joey Abraham, 28.

Sa ulat, pumunta umano sa General Santos ang biktima para mag-renew ang kanyang driver’s license kasama ang biktima na empleyado din ng Vice Mayor’s Office ng LGU Malungon.


Naglalakad lamang ang dalawa nang biglang dumating ang naka-motor na mga suspek at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima.

Kaagad namatay si Nain dahil sa mga sugat na natamo habang nadala naman sa hospital si Abraham.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Facebook Comments