
Patay ang isang driver matapos na maipit sa minamaneho nitong van sa Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang biktima na si Eliardo Solarte Jr., 51 anyos at residente ng Dasmariñas, Cavite.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho ang biktima sa bahagi ng Mascap Road kasama ang 13 pasaherong magka-camp sa lugar nang biglang makaramdam ng pagkalabog sa ilalim ng van dahilan para inspeksyunin.
Ito ang pahayag ni PLtCol Paul Sabulao, Chief of Police ng Rodriguez Municipal Police Station.
Dagdag pa rito, sinubukan pang pigilan ni Solarte ang van at sumigaw sa mga pasahero nito na itaas ang handbrake ngunit bumulusok ito paibaba at dito na ito nakaladkad at nadaganan.
Dinala pa sa ospital ang biktima matapos magtamo ng malalang pinsala sa katawan ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Habang dinala rin sa ospital ang mga pasahero upang bigyan naman ng atensyong medikal.