Mahigit P1.6 million na halaga ng marijuana, nasabat sa delivery driver sa Pasig City

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang delivery driver na nahulihan ng mahigit P1.6 million na halaga ng marijuana.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), ang suspek ay kinilalang si alyas Buknoy, 27-anyos na naaresto sa Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakumpiska sa high-value individual (HVI) ang 1,100 grams ng marijuana kush at dried fruiting tops na may kabuuang halaga na ₱1,650,000.

Kabilang pa sa mga nakumpiska ang marked buy-bust money at ₱1,500.

Naaresto ang suspek matapos tangkaing ibenta ang marijuana sa ilang undercover officers.

Facebook Comments