DRIVER SA RAMON, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA

Cauayan City – Timbog ang isang driver mula sa bayan ng Ramon matapos nitong magpositibo sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust operation sa Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.

Naaresto si alyas “Johnny” matapos nitong mabentahan ng isang piraso ng silyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang awtoridad na nagpanggap na buyer.

Bukod pa rito, nakuha rin sa pag-iingat nito ang isang 500 genuine peso bill, isang cellphone, at lighter.


Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya, kaagad na dinala sa himpilan ng Ramon PS ang mga ito maging ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments