MANILA – Nakahanda na si Ronnie Dayan sa pagharap ngayong araw para sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng House Committee on Justice hinggil sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).Ayon kay Committee Chairman Reynaldo Umali, kinuhanan na ng testimonya o affidavit si Dayan sa tulong ng mga abogado mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na hiniling ng komite.Aniya, umaasa silang sasabihin ni Dayan ang buong katotohanan dahil ito ang itinuturing na “missing link” sa likod ng kalakalan ng droga sa bilibid at ang pagtanggap ng drug money para sa pagtakbo ni Senator Leila De Lima noong nakaraang eleksyon.Tiniyak din ng mambabatas, na makakalaya na si Dayan matapos na tumestigo.Kasabay nito, sinabi ni umali kay De Lima na bukas pa rin ang kamara kung gusto niyang ipabatid ang kanyang panig.Samantala, balak din imbitahan ng House Committee on Justice si Kerwin Espinosa na humarap sa mga susunod na pagdinig.
Driver/Lover Ni Senator Leila De Lima, Nakatakdang Humarap Ngayong Araw Sa Kamara Kaugnay Sa Kalakaran Ng Ilegal Na Drog
Facebook Comments