Driving lecture requirement ng LTO para sa student permit applicants, suportado ni Senator Dela Rosa

72

Nagpahayag ng buong suporta si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kautusan ng Land Transportation Office (LTO) na sumailalim muna sa 15-oras na driving lecture ang mga aplikante para sa student driving permit.

Kumbinsido si Dela Rosa na makakatulong ang driving lecture para maturuan ng disiplina at kinakailangang driving skills ang mga baguhang nagmamaneho.


Paliwanag ni Dela Rosa, malaking bagay ito para maging mas ligtas ang mga kalsada at maisalba ang napakahalagang buhay ng pedestrians at maging ng drivers mismo

Magugunitang nagsagawa ng pagdinig ukol sa mga aksidente sa lansangan na pinamumunuan ni Dela Rosa na Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Bahagi ng naging rekomendasyon ng komite ni Dela Rosa na ipaloob sa K to 12 curriculum ang tungkol sa road safety at drivers’ education.

Facebook Comments