Dropbox system sa barangay kontra sa sindikato ng droga at mga rebeldeng grupo, wala raw pinag-iba sa Makapili system

Manila, Philippines – Tinawag na sistemang Makapili ng Human Rights Watchdog na karapatan ang paglalagay ng drop box ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay para makakuha ng impormasyon laban sa sindikato ng droga at mga rebelde.

Kinokondena ng karapatan ang pamamaraan ng DILG dahil maaring maling impormasyon ang mailagay dito at magamit pa para bigyang katwiran ng gobyerno ang madugong war on drugs at gipitin ang mga hinihinalang enemy of the state.

Ang Drop Box System ay nakapaloob ngayon sa guidelines ng implementasyon ng binagong Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw Sa Iligal na Droga (MASA-MASID) ng DILG.


Idinagdag ng grupo na ang nais ng DILG at PNP ay makalikha ng hitlist na ang susulat ay mismong mga mamamayan ng bansa.

Facebook Comments