Drug Cleared Municipality sa Isabela, Anim na!

Cauayan City, Isabela- Anim na bayan na sa Lalawigan ng Isabela ang naideklarang drug cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lambak ng Cagayan.

Ang mga drug cleared municipality ay kinabibilangan ng bayan ng Aurora, Burgos, Sta.Maria, San Guillermo, Delfin Albano at Luna.

Ayon kay P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), bagamat pahirapan na maideklara bilang drug cleared municipality ang isang bayan dahil sa mga dokumentong kailangang isumite sa oversight committee sa PDEA at PR02 ay sinisikap ng kanyang hanay ng kapulisan na malinis sa kalakalan ng droga sa bawat bayan.


Umaabot sa isang libong tokhang responders sa buong lalawigan ng Isabela ang sumailalim sa Community Based Rehabilitation Wellness Program o CBRWP.

Dahil dito, patuloy ang kampanya ng kapulisan sa illegal drugs bilang kautusan at mandato ng Pangulong Rodrigo Duterte upang sugpuin ang droga sa bansa.

Maliban sa anim na naideklarang drug cleared municipality ay dalawang bayan naman ang hindi apektado ng droga gaya ng bayan ng Maconacon at Divilacan na kabilang sa coastal areas ng Isabela.

Ang probinsya ng Isabela ay binubuo ng 34 na bayan at dalawang siyudad na hinati sa anim na distrito.

Facebook Comments