IATF -Cotabato City mas tinutukan pa ang Covid-19 Situation sa syudad, Additional Nurses ng CRMC pinakahuling nagpositibo!

28

*Dalawang Nurse na naman mula Cotabato Regional and Medical Center ang pinakahuling nagpositibo sa Corona Virus Disease .*
*Sinasabing mga Staff ito ng unang dalawang Nurse na nagpositibo sa Covid-19 sa panayam ng DXMY kay Dr. Meyasser Patadon, City Health Officer.*
*Kabilang ang dalawang pasyente sa unang batch ng 70 Health Care Workers ng CRMC na isinailalim sa Swab Test na sinasabing may direct contact sa unang Nurses na nagka-Covid 19 dagdag pa ni Dr. Patadon.*
*Naka- assign ang mga ito sa OB at Medicine Wing ng CRMC.*
*Nagpapatuloy naman ang contact tracing ng Office on Health Services sa mga nakasalimuha ng mga ito. Habang naabisuhan na rin ang mga pamilya ng mga bagong pasyente , maging ang kanilang LGU. Sinasabing mga residente ito ng kalapit bayan ng syudad.*
*Samantala, nasa stable condition naman ang unang dalawang nurse na unang nagpositibo sa Covid-19.*

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>


Facebook Comments