Drug pusher, arestado sa Makati City

Manila, Philippines – Arestado ang isang tulak ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Pitogo, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Rosalinda Sulit, alyas Nicole, 28-anyos.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon laban kay Sulit sa Kalayaan Avenue, Barangay Guadalupe Viejo.


Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng P3,000 halaga ng shabu at hindi nakapalag ang suspek nang mahuli siya sa aktong inaabot ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa suspek ang 16 pang pakete ng umano’y shabu, P3,000 buy-bust money at P2,000 cash na pinaniniwalaang kita sa pagbebenta ng droga.

Nakatakdang sampahan si sulit ng kasong paglabag sa RA 9165 comprehensive dangerous drugs act of 2002.
DZXL558

Facebook Comments