Drug pusher, patay sa buy bust operation sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Naisugod pa sa ospital ang 45-anyos na suspek na si alyas ‘Alimango’ pero binawian din ito ng buhay.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD-station 3 ang operasyon laban kay Alimango sa isang eskinita sa lugar.


Dito nadiskubre ng mga otoridad na patuloy pa rin sa pagbebenta ng droga ang suspek.

Pagkatapos ng transaksyon ng suspek sa mga pulis, bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Dahil sa naramdamang panganib sa kanilang buhay, agad pinaputukan ng back up na pulis ang suspek.

Narekober sa suspek ang isang kalibre-38 baril na kargado ng apat na bala, limang pakete ng umano’y shabu at 500 pesos na buy-bust money.
DZXL558

Facebook Comments