Putol na binti ng tao, natagpuan sa Quezon City

Quezon City, Philippines – Nadiskubre ang isang putol na binti ng tao na itinapon sa kahabaan ng Mayaman Street, malapit sa panulukan ng Maginhawa Street sa Barangay UP Village, Quezon City.

Sa ulat, napansin ng ilang tao ang isang itim na garbage bag.

Nang buksan ang garbage bag, natagpuan ang isang berde at selyadong timba.


Sa loob ng timba, natagpuan ang isang putol na kanang binti na nakababad sa tubig.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinaniniwalaang binti ito ng isang babae na nasa edad 45 hanggang 60.

Base sa initial observation ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang binti ay lumalabas na galing sa ospital dahil ang timbang kinalagyan nito ay selyado at malinis ang pagkakaputol dito.
DZXL558

Facebook Comments