Drug pusher, patay sa pamamaril sa Taguig

Manila, Philippines – Patay ang 42 anyos na  notoryus na tulak ng droga na  na si  Jose Romarico Carpena matapos pagbabarilin kagabi sa Taguig City.
 
Kasama ni Carpena  ang dalawang babae sa bahagi BP Cruz St. purok 5 Lower Bicutan lungsod ng Taguig nang dumating ang di nakilalang suspek saka biglang pinagbabaril ang biktima.
 
Ipinahayag ng  kinakasama ni Carpena na  kilala niya kung  sino ang bumaril sa biktima.
 
Narekober ng SOCO team sa crime scene ang anim na plastic sachet ng shabu at  8 basyo ng bala ng baril.
 
Aminado si Arlene Del Rosario, nanay ng biktima na sakit sa ulo si Carpena  dahil  sa pagka lulong nito sa bisyo at di na nakikinig sa kanyang mga payo.
 
Ayon naman kay Edwin Papa barangay staff, taga bagumbayan si Carpena at naging  notoryus  sa kanilang lugar dahil ginagawa  umanong drug den ang hide out nito.


Facebook Comments