DRUG RAID | Anak ni BuCor chief Faeldon, inaresto; BuCor chief, hindi raw makikialam

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang anak ni Bureau of Correction Chief Nicanor Faeldon matapos na madatnan sa bahay ng isang drug suspect sa Barangay Mabolo, Naga City.

Sa interview ng RMN Manila kay SPO2 Toby Bongon ng Naga City Police Office – aniya, target ng search warrant ang bahay ng drug suspect na si Russel Lanuzo alyas “Bubbles” na umano ay tatay ng kasintahan ni Nicanor Faeldon Jr, 31-anyos.

Dahil ikinokonsiderang drug den ang bahay ni Lanuzo, kasamang dinakip ng mga otoridad si Jr.


Inaaalam na rin ng Naga PNP ang posibleng partisipasyon ng anak ng BuCor chief sa drug den kung saan siya pansamantalang nakatira habang nag-aaral sa lungsod.

Samantala, nakarating na raw kay BuCor Chief Faeldon ang nangyari sa kanyang anak.

Pero ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Jose Diño – hinding-hindi umano makikialam ang BuCor chief sa kinahaharap na kaso ni Jr.

Facebook Comments