Babaeng nakalunok ng siyam na libong dolyar sa Colombia, isinugod sa ospital

44

Colombia – Sinugod sa ospital ang bente- otso anyos na si Sandra Milena Almeida matapos lumunok ng perang nagkakahalaga ng siyam na libong dolyar sa Colombia.

Nakita ng mga doktor ang maraming tig iisang daang dolyar sa loob ng bituka ni Almedia.

Nilunok niya umano ang pera para hindi ito makuha ng kanyang dating kalaguyo.

Ayon kay Almeida bago niya nilunok ang pera, tinupi niya muna ito at nilagay sa plastic saka tinalian ng goma.

DZXL558

Facebook Comments