Dry & Chapped Lips? Let’s Fix That!

Di maiiwasan ang panunuyo ng labi dahil sa init ng panahon at iba’t iba pang mga bagay na nakakaapekto dito. Masakit at kung minsan pangit tignan. Di na kailangang mag alala dahil ito ang mga iilang tips para maayos ang nanunuyo at bitak-bitak na labi.

Always be hydrated, palaging uminom ng tubig dahil ang dehydration ay nagiging sanhi ng pagkaka bitak bitak ng labi at panunuyo nito. Siguraduhing uminom ng 8-10 glasses of water araw araw para always hydrated.

Put Lip Balm or Petroleum Jelly overnight, gumamit ng lip balm na hiyang sa labi o petroleum jelly bago matulog at hayaan lamang ito hanggang kinabukasan. Ang pag bababad ng moisturizer sa labi ay nakakatutulong upang ma moisturize ang labi at maiwasan ang pagiging dry nito at pag bitak-bitak. Ito rin ay magandang gawin para magmukhag smooth finish ang lips.


Wear protection to your lips, gumamit ng proteksyon sa labi kagaya ng scarf o kung ano pa kun malakas ang hangin o napakainit para maiwasan ang panunuyo nito maaaring mag sanhi ng pamamalat, panunuyo o pag bibitak bitak.

Eat healthy foods, ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakatutulong para mapangalagaan ang labi at ang katawan. Umiwas sa mga pagkaing maaaring magdulot ng pag iiba ng kulay ng labi o pagkasugat nito.

See a dermatologist if nothing works, magpakonsulta sa eksperto kung di umobra ang mga nasabing tips para sa nanunuyong labi.

Ito ay mga ilang paraan para masolusyonan ang problema sa labi kagaya ng panunuyo o pag ka bitak bitak. Alagaan ang sarili upang hindi magsisi sa bandang huli.

Facebook Comments