DSWD at BJMP, nagkasundong patatagin ang suplay ng pagkain sa mga kulungan

Lumagda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Memorandum of Understanding na may layong masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa jail facilities.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahalaga ang whole-of-government approach para matiyak ang food security sa mga vulnerable sector kabilang na ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa ilalim ng kasunduan, makikipagtulungan ang BJMP sa mga community-based organization na kinikilala ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Program upang matiyak ang suplay ng agricultural products para sa pagkain ng mga PDL.


Noong 2024, 31 community-based organizations ang nakipagtulungan sa regional offices ng BJMP bilang suppliers ng pagkain at iba pang mga produkto at nakapagbenta nang mahagit P750,000 na halaga ng produkto sa mga kulungan sa bansa.

Facebook Comments