Iba’t ibang units ng PNP, suportado ang term extension ni PNP Chief Marbil

Nagpasalamat ang Philippine National Police kabilang ang lahat ng Police Regional Offices, National Support Units, PNP Corps of Officers, at PNPA Lakans kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos palawigin ang termino ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.

Ayon sa PNP, ipinapakita ng desisyon ng Pangulo ang suporta sa pagpapalakas ng law enforcement at pagpapahalaga sa disiplina at integridad ng mga pulis.

Sa ilalim ng termino ni Gen. Marbil, bumaba ang crime rate at naging mas mabilis ang mga aksyon sa mga bagong banta sa seguridad.


Napalakas din ang ugnayan ng pulisya sa mga komunidad sa pamamagitan ng pinaigting na police visibility at proactive engagements ng pulisya.

Una nang sinabi ni Marbil na taos-puso siyang nagpapasalamat sa patuloy na tiwala at kumpyansa sa kanya ni Pangulong Marcos Jr. kung saan magagamit nya ang apat na buwan na term extension para mas lalo pang mapaghandaan ang nalalapit na 2025 midterm elections.

Facebook Comments