House Speaker Martin Romualdez at ilang kongresista, sasampahan ng reklamong kriminal ng Citizen’s Crime Watch dahil sa umano’y insertion sa 2025 national budget

Nakatakdang magsampa ng reklamong kriminal sa Quezon City Prosecutors Office ang Citizen’s Crime Watch at isang mambabatas laban kay House Speaker Martin Romualdez at ilang kongresista kaugnay ng umano’y insertion ng bilyong- bilyong piso sa national budget o General Appropriations Bill o GAB.

Ayon kay Diego Magpantay, president ng Citizen’s Crime Watch, kabilang sa tatayong respondents sa reklamong falsification of legislative documents sina House Speaker Martin Romualdez, chairperson ng Appropriations Committee Congresswoman Stella Quimbo, former committee Chairman ng House Appropriations Committee Cong. Zaldy Co, House Majority Leader Mannix Dalipe at ilan pang ‘John Does’ dahil sa umano’y P241 bilyong insertion.

Napag-alaman din na tatayong abogado ng Citizens Crime Watch sina Atty. Raul Lambino at Atty. Jimmy Bondoc.


Paliwanag pa ni Davao Del Norte Congressman at dating House Speaker Bebot Alvarez, isa rin sa mga complainant, na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila binibigyan ng kopya ng enrolled bill.

 

Facebook Comments