Bumuo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng guidelines sa pagpapatupad ng COVID-19 response at recovery intervention programs sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.
Kabilang na rito ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga apektadong low-income households na nasa ilalim ng granular lockdowns.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang kanilang field offices, sa koordinasyon ng Local Government Units (LGUs) ay nagsimula nang kumuha ng mga impormasyon para tukuyin ang mga benepisyaryo.
Ang kumpletong detalye ay ilalabas sa susunod na linggo.
Paglilinaw rin ng DSWD na ang tulong na ibibigay ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 2 ay hindi extension ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 1.