DSWD, buo ang suporta sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Bayanihan 3

Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat maipagpatuloy ang pagpapatupad ng social protection measures, partikular ang pamamahagi ng ayuda sa vulnerable sectors.

Ito ay bilang paghahanda sakaling lumala ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, lumalabas sa pagtaya ng Department of Health (DOH) at National Economic and Development Authority (NEDA) na ang problema sa pandemya ay posibleng lumala hanggagn 2022.


Kaya mahalaga aniya may naipapaabot na tulong sa mga nangangailangan pero depende pa rin sa pondo at depende sa halaga.

Suportado ng DSWD ang panukalang ₱401-billion Bayanihan 3, kung saan nakapaloob ang pamamahagi ng inisyal na ₱2,000 sa lahat ng 108 milyong Pilipino, at dagdag na ₱10,000 sa mga na-displace at nakaranas ng financial distress bunga ng pandemya.

Sa datos ng DSWD, aabot na sa 20.8 million beneficiaries ang nakinabang sa social amelioration programs sa ilalim ng Bayanihan laws, na nagkakahalaga ng ₱220.7 billion.

Facebook Comments