DSWD FO2, NAGHAHANDA NA PARA SA BAGYONG KARDING

Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa posibleng epekto ng Tropical Storm ‘Karding’ dahil inaasahan itong magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Cagayan Valley Region sa mga susunod na araw.

Tiniyak ni Regional Director Lucia Alan, na ang field office ay may sapat na supply ng Food and Non-Food Items (FNIs) para sa mga potensyal na apektadong lugar.

Ang DSWD FO2 sa ngayon, ay may kabuuang P16,317,302.25 na halaga ng FNIs na nakaimbak sa anim (6) na fully operational warehouses nito na matatagpuan sa iba’t ibang strategic area sa rehiyon.

Mayroon ding mga raw materials at stand-by fund na nasa P13,854,221.54 ang halaga.

Maliban dito, may kabuuang P21,189,641 na halaga ng mga goods katulad ng bigas, delata, kape, at iba pa ang nakahanda na sa 70 Local Government Units (LGUs) sa mga probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Samantala, inaasahang magla-landfall si Karding sa Hilagang Luzon. Kaugnay nito, naka-stand-by na ang Quick Response Teams at Social Welfare And Development (SWAD) Teams at mahigpit na binabantayan at nakikipag-ugnayan sa mga LGU sa kasalukuyang sitwasyon at posibleng epekto ng nasabing tropical storm.

Facebook Comments