MARIJUANA AT REPLIKA NG BARIL, NAKUMPISKA MULA SA MGA MENOR DE EDAD

29
Cauayan City, Isabela- Inihahanda na ang kasong posibleng kaharapin ng dalawang menor edad matapos ang nangyaring komosyon sa pagitan ng mga mag-aaral at out-of-school-youth.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang kapulisan ng Tabuk City PNP hinggil sa naturang insidente kaya’t kaagad na tumugon ang mga ito.

Nagawa namang maawat ng mga pulis ang mga kabataang sangkot sa rambulan.

Nasamsam ng mga otoridad mula sa mga menor de edad ang dalawang pekeng baril na gawa sa bakal, dalawang improvised tooters with residue at higit kumulang .05 grams na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakipag-ugnayan na ang mga otoridad sa City Social Welfare and Development kaugnay sa mga estudyanteng sangkot sa insidente.

Facebook Comments