Pitmaster Foundation, suportado ang climate change policy agenda ni PBBM

71

Tiniyak ng Pitmaster Foundation ang buong suporta nito sa agenda at programa ng pamahalaan pagdating sa climate change.

Ito ay bilang tugon sa agarang panawagan ni  Pangulong Bongbong Marcos nang magtalumpati ito sa UN General Assembly.

Sa Disaster and Climate Emergency Policy Forum kung saan naging guest speaker si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, sinabi ni Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation na makakasa ang administrasyon ng buong suporta sa agenda at programa na may kaugnayan sa disaster emergency at climate change ng pangulo.


Aniya, isa sa panghunahing misyon nila ang pagtulong sa oras ng kalamidad at pangangailangan ng ating mga kababayan gayundin ang pakikiisa nil ana mabawasan ang masamang epekto ng climate change sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Cruz na tuloy ang pagtupad nila sa kanilang naipangakong mga tulong sa kahit suspendido ang operasyon ng Lucky 8 Star Quest Inc. na siyang pinagkukunan nila pondo para sa kanilang mga charitable missions.

Facebook Comments