Handa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng tulong sa posibleng masasalanta ng Bagyong Odette.
Kasunod ito ng tuluyan nang pagpasok kagabi ng bagyo na isa nang ganap na severe tropical storm.
Ayon kay DSWD Director Irene Dumlao, may nakahandang stockpiles at stand-by funds ang kagawaran na nagkakahalaga ng mahigit P903 milyon.
Mayroon namang 300,000 family food packs ang nakahanda sa iba’t ibang strategic locations sa buong bansa na agad ipapamahagi sa mga maapektuhan.
Tiniyak din ng DSWD na maayos ang mga evacuation centers para sa mga ililikas na residente.
Sa ngayon, pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa Visayas at CARAGA Region na maging alerto sa papalapit na Bagyong Odette.
Habang pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa magiging epekto ng Bagyong Odette.