Mahigpit na mino-monitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-12 (SOCCSKSARGEN) ang kalagayan ng mga apektadong pamilya sa landslide na nangyari sa Sultan Kudarat.
Naghatid na ng tulong ang ahensya sa 184 na pamilyang apektado sa Barangay Pamatingan, Esperanza, Sultan Kudarat.
Batay sa report ni DSWD Field Office 12- SOCCSKSARGEN Regional Director Loreto Cabaya, siyam na bahay ang nawasak sa naganap na landslide.
Pitong pamilya naman ang kasalukuyang nanunuluyan sa barangay gymnasium habang dalawang pamilya ang tumuloy sa kanilang mga kaanak.
Patuloy ang koordinasyon ng regional office ng DSWD sa Esperanza LGU para sa augmentation ng relief items.
Facebook Comments