Malapit nang matapos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng second tranche ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Pagtitiyak ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang natitirang tatlong porsyento ng 14.1 million low-income families na target na makatanggap ng SAP 2 ay matatanggap na ang kanilang ayuda ngayong buwan.
Aabot na sa 13,853,942 beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang financial subsidy mula sa napasong Bayanihan to Heal as One o Bayanihan 1 Act.
Tinatayang nasa ₱82.7 billion ang na-disburse na SAP subsidy.
Facebook Comments