DSWD, mayroon ng OIC

Manila, Philippines – Nagtalaga muna ng Officer-In-Charge si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang pansamantalang hahalili kay Judy Taguiwalo matapos ma-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pangangasiwaan muna ni Social Welfare Undersecretary for Finance and Administration Emmanuel Leyco ang kagawaran hanggang hindi pa nakahahanap si Pangulong Duterte ng itatalaga bilang kalihim nito.

Matatandaan na sinabi ni Abella na dadaan sa pagsala at mataas ang magiging pamantayan ni Pangulong Duterte sa pagpili sa magiging miyembro ng kanyang official family.
Sa ngayon aniya ay patuloy parin ang paghahanap ng Pangulo sa possible nitong ilagay sa DSWD kapalit ni Taguiwalo.


Facebook Comments