DSWD, mayroong P581 million standby fund at stockpiles

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon silang available standby funds at stockpiles na nagkakahalaga ng ₱581.43 million para alalayan ang mga Local Government Unit (LGU) na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang ahensya ay may sapat na resources para tulungan ang mga apektadong LGUs.

Mula sa ₱526.9 million standby funds, nasa ₱517.9 million ang standby funds ng DSWD Central Office habang may tig-3 million pesos na standby funds ang DSWD-NCR, Central Luzon at CALABARZON.


Nasa 99,317 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱54.4 million ang available para sa distribution.

Mayroong limitasyon sa repackaging ng FFPs dahil kailangang sundin ang health protocols.

Bago ang pandemya, ang DSWD ay kayang mag-repack ng hanggang 50,000 FFPs bawat araw, pero dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, aabot na lamang sa 20,000 FFPs ang naisasagawa kada araw.

Facebook Comments