DSWD, naglaan ng ₱287.95 million para sa livelihood at shelter agenda para sa mga dating rebelde

Inaprubahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng ₱287.95 million para sa livelihood grants at assistance sa mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.

Ayon kay DSWD Undersecretary for Inclusive and Sustainable Peace Alan Tanjusay, pang-una lamang ito sa nakalinyang commitments ng DSWD sa pagtupad sa “no one is left behind leadership instruction” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasunod naman ito ng naging pakikipagpulong ni Kalihim Erwin Tulfo kay Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez.


Partikular na inilaan ang naturang pondo para sa sustainable livelihood, modified shelter assistance, at cash-for-work programs para sa mga dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) at mga decommissioned combatants na mga muslim rebels.

Sa pamamagitan ng pondo, makakapagtayo na ng 150 shelters sa mga tinukoy na barangay sa labintatlong rehiyon kabilang na ang Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments