Affidavit ng mga testigong bumaliktad sa kaso ni dating Sen. De Lima, hindi pa rin naisusumite sa korte

376

Kinumpirma ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi pa nakararating sa korte ang affidavit of recantation ng mga testigo sa drug case ni dating Senadora Leila de Lima.

Bunga nito, sinabi ni Remulla na maituturing lamang na “hearsay” ang pagbaliktad ng mga testigo.

Aniya, kailangan ang affidavit of recantation para ma-cross examine ito ng prosekusyon.


Magugunitang apat na mga testigo sa drug case ni De Lima ang nagbawi sa kanilang testimonya at sinabing pinilit lamang sila ng ilang opisyal ng nakaraang administrasyon.

Facebook Comments